Nagbahagi si Davao City 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte ng larawan nilang magkakapatid kung saan nagsagawa raw sila ng family meeting.
Sa naturang larawan, makikita sina Vice President Sara Duterte, Kitty Duterte, Baste Duterte, Rigo Duterte, at Omar Duterte.
"Not everything will always go the way we want it to, but there is always always always something to be grateful for," saad ni Pulong sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 15.
Dagdag pa niya, "Family meeting for the thanksgiving! See you all soon! We miss you Pa!"
Ang naturang thanksgiving na tila pinaghahandaan nila ay kaugnay sa tagumpay nila sa nagdaang eleksyon 2025, kung saan nanalo bilang Davao City mayor si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
Bukod sa tagumpay ng dating pangulo, tagumpay din si Baste bilang vice mayor ng parehong lugar. Nanalo rin si Rigo bilang konsehal sa unang distrito habang si Omar naman ay nanalo bilang 2nd District representative.