May 31, 2025

Home BALITA National

ITCZ, easterlies, nakaaapekto sa PH – PAGASA

ITCZ, easterlies, nakaaapekto sa PH – PAGASA
(Balita photo)

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Abril 21, na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies ang kasalukuyang nakaaapekto sa bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang ITCZ—na tumutukoy sa linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Davao Region, Surigao del Sur, Sarangani, Sultan Kudarat, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, malaki rin ang tsansang magdudulot ang ITCZ ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Mindanao.

National

Heidi Mendoza sa lumutang na ka-apelyido ng ilang senador sa CF ng OVP: 'Insulto ito!'

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms din naman ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).