Nakakaloka ang tsinika ni showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa isang housemate ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.”
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Biyernes, Marso 14, sinabi ni Ogie na isa raw sa housemate sa Bahay ni Kuya ay may kumakalat na maselang video.
“Alam mo, ‘yong isang housemate ni Kuya diyan, Diyos ko, may kumakalat na video scandal,” saad ni Ogie.
Usisa tuloy ni Mama Loi, “Talaga? Anong ginagawa do’n?”
“E, siyempre kinukumusta niya si Jun-jun niya. Kita ko teary-eyed, e,” sagot ni Ogie. “Diyos ko, 17 minutes yata ‘yon. Siya lang naman mag-isa. Nakakaloka.”
Hindi na naman nagbigay pa ng maraming detalye si Ogie tungkol sa pagkatao ng natukoy na housemate.
“Ang pangalan niya basta parang tunog ng isang hayop,” natatawang sabi ng showbiz insider.