February 05, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda kay Max Collins: 'Mabubulok ka rin!'

Vice Ganda kay Max Collins: 'Mabubulok ka rin!'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Idinaan sa mga biro ni Unkabogable Star Vice Ganda ang paghanga niya kay Kapuso actress Max Collins.

Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” kamakailan ay napabilang si Max sa Sexy Authoriteam para sa segment na “Sexy Babes.”

“Grabe si Max Collins nagpapatotoo. ‘Yan ‘yong gandang hindi na masarap tingnan. ‘Yan ‘yong gandang hindi nakaka-inspire,” saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “Nakakabagsak ng confidence ‘yong ganyang ganda. ‘Yong pinamukha mo sa amin kung gaano kami kachaka.”

Relasyon at Hiwalayan

Kasal nina EA Guzman, Shaira Diaz may petsa na!

Hirit naman ni Bela Padilla, “Si Max kamukha niya si Natalie Portman, o.”

Sabi tuloy ni Vice, “Last guesting na ni Max Collins ‘to, ha. Kanina I feel good about myself paggising ko. Noong nakita kita, ‘My God! Ang pangit ko pa rin talaga.’”

“Hindi totoo ‘yan,” sagot ni Max. “Papansin lang po ako. Papansin lang.”

Lalo pang naloka si Vice nang ibahagi ni Max ang paghihirap na pinagdaaanan nito bilang isang ina pero nananatili pa rin hanggang ngayon ang mala-diyosang ganda nito.

“Grabe ka, Max Collins, napakaganda mong bata,” pahabol ng Unkabogable Star. “Balang-araw ‘pag tayo ay pumanaw na lahat tayo pantay-pantay. Mabubulok ka rin.”