February 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI, mabubuwag na nga ba?

BINI, mabubuwag na nga ba?
Photo Courtesy: BINI (FB)

Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nakarating sa kaniyang hula tungkol sa Nation’s girl group na BINI.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Enero 2, sinabi ni Ogie na isa raw sa mga miyembro ng BINI ang kakalas.

“May nakausap akong manghuhula [...] Tinanong ko kasi siya. ‘Uy, kumusta ang BINI?’ Kasi nauna rito ‘yong tinanong ko ‘yong SB19. Okay naman daw ‘yong career. Minsan magsosolo sila pero marami pa ring pagkakataon na nagkakasama-sama sila,” lahad ni Ogie.

“Sabi ko, ‘E ‘yong BINI? Anong hula mo sa BINI, madam?’” pagpapatuloy niya. “Ang sabi sa akin, mayro’ng isang magsosolo. [...] Ang sabi sa akin ng manghuhula, feeling niya, isa lang. So ang matitira, pito.”

Tsika at Intriga

BINI Jhoanna, nagsalita sa tsikang malalagasan sila ng isang miyembro

“Teka lang, ‘Nay,” awat ng co-host ni Ogie na si Mama Loi. “Sino raw ‘yong magsosolo? Binanggit ba?”

“Binanggit,” sagot ng showbiz insider. “Ang sabi niya, si Gwen. Si BINI Gwen.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang management ng BINI hinggil sa espekulasyon ito.

Pero ayon kay Ogie, uusisain niya raw ang tungkol dito sa renewal of contract ng Nation’s girl group sa ABS-CBN.

Matatandaang nauna nang hinulaan ng tinaguriang “Asia's Nostradamus" na si Jay Costura ang kahihinatnan ng BINI noong Setyembre 2024.

MAKI-BALITA: BINI tinaningan; dalawa hanggang tatlong taon lang daw, disbanded na!