January 23, 2025

Home BALITA National

La Mesa Dam, umabot na sa spilling level

La Mesa Dam, umabot na sa spilling level
MB FILE PHOTO BY MARK BALMORES

Kasalukuyan nang nasa spilling level ang La Mesa Dam, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, umabot na sa 80.16 meters ang tubig sa La Mesa Dam kaninang 5:00 ng umaga dahil sa patuloy na pag-ulan. 

Dahil dito, inaasahan na dadaloy ang tubig patungo sa Tullahan River sa Quezon City at maaaring maaapektuhan ang mga low-lying areas na malapit dito, kagaya ng Fairvew, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Sta. Quiteria, and San Bartolome; maging ang Valenzuela (Bgy. Ligon, North Expressway, La Huerta Subd.) at Malabon.

Gayunman, inaasahan ng PAGASA na mas tataas pa ang tubig sa La Mesa Dam dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng hanging Habagat. 

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

---

KAUGNAY NA BALITA: 

WALANG PASOK: Class suspensions ngayong Miyerkules, Aug 28