September 20, 2024

Home SHOWBIZ

SB19 Pablo, inaming crush si Keanu Reeves

SB19 Pablo, inaming crush si Keanu Reeves
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network,Lionsgate Movies (YT)

Isiniwalat ng SB19 member na si Pablo kung sino ang kaniyang celebrity crush nang sumalang ang buong grupo sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Agosto 26.

Isa kasi sa mga nakahandang tanong sa “Fast Talk” portion ng nasabing programa ni Boy ay kung sino raw ang crush na artista ni Pablo.

“Keanu Reeves,” mabilis na sagot nito.

Pero hindi lang si Pablo ang nausisa tungkol dito. Kaya naman isiniwalat din ng ibang miyembro ang kanilang celebrity crush maliban kay Ken na wala pa raw nagugustuhan sa ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Josh, crush daw niya si Yeji ng K-pop girl group na Itzy. Si Stell naman ay si Maris Racal at si Justin ay ang Hollywood actress na si Saoirse Ronan.

Samantala, naintriga naman kamakailan ang mga netizen sa tunay na gender ni Pablo dahil akala umano n ng actor-producer na si Robby Tarroza ay karelasyon nito si Stell.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Stell at Pablo para pabulaanan o kumpirmahin ang nasabing isyu.

MAKI-BALITA: Stell at Pablo ng SB19, magkarelasyon?