September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Carlos Yulo, may lifetime subscription na sa Vivamax?

Carlos Yulo, may lifetime subscription na sa Vivamax?
Photo courtesy: Vivamax Philippines (FB)/via Manila Bulletin Sports (FB)

Mukhang nadagdagan na naman ang "lifetime free" ni two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, at this time, lifetime free access daw sa adult contents ng Vivamax!

Mababasa sa unang Facebook post ng "Vivamax Philippines" ang kanilang anunsyo patungkol dito.

“Salamat, Caloy! We are very MAX proud of you! After mo sumabak sa laban, deserve mong mag-VIVAMAX AND RELAX! Sagot na namin ang lifetime subscription mo," saad daw sa caption na napaulat naman sa sports news website ng "Fastbreak."

Ngunit nang silipin ng Balita ang Facebook post, Saratila na-edit na ito at hindi na makikita ang "Sagot na namin ang lifetime subscription mo."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa halip, ganito na ang mababasa sa caption as of August 7, 2024, 6:31PM:

"Salamat, Caloy! We are very MAX proud of you! After mo sumabak sa laban, deserve mong mag-VIVAMAX AND RELAX!"

Photo courtesy: Vivamax Philippines (FB)
Photo courtesy: Vivamax Philippines (FB)

Edited lamang ang caption at hindi pa burado ang post, kaya "tinukso" tuloy ng mga netizen na nakabasa na sa unang caption, ang "Golden Boy."

"Lifetime free viewing ng vivamax."

"Lifetime subscription hahaa."

"Be bold to get that gold."

"Sinagot na ni Caloy ang gold, Vivamax naman ang bahala sa bold."

"Sarap! Lifetime."

Batay sa website ng Vivamax, ang Vivamax subscription ay nagkakahalagang ₱69 sa isang linggo, ₱169 sa isang buwan, at ₱1,420 sa isang taon.

Sa Vivamax pinapalabas ang adult contents ng VIVA Films.

Samantala, walang post patungkol dito sa official Facebook page ng VIVA Films. Wala ring paliwanag mula sa Vivamax kung inalis nga ba nila, inedit, o nagkamali lamang sila sa paglalagay ng "lifetime subscription."