September 07, 2024

Home BALITA

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN (X)

Nagbigay ng reaksiyon si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos kaugnay sa kumakalat na malisyosong video ng kaniyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa panayam ng mga media personnel nitong Lunes, Hulyo 22, sinabi ni Sandro na isa umano itong “pathetic attempt to destabilize the administration. 

“It’s nothing but a pathetic attempt to destabilize the administration of the president. We should really come to expect that from them at this point,” saad ng kongresista.

Dagdag pa niya, tila masyado umanong halata ang paglabas ng naturang video na itinaon pa bago mangyari ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng kaniyang ama.

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'

“I think it’s a little obvious,” aniya.

Gayunman, nauna nang pabulaanan ng Department of National Defense ang malisyosong video kung saan matutunghayan na humihithit umano ang pangulo ng droga.

MAKI-BALITA: DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM