October 05, 2024

Home SHOWBIZ Events

It's Showtime, nagbabala sa scam na maging studio audience

It's Showtime, nagbabala sa scam na maging studio audience
Photo courtesy: It's Showtime (FB)

Naglabas ng babala ang noontime show na "It's Showtime" kaugnay sa mga kumakalat na modus para maging studio audience at maging madlang people nang live.

Isang nagpapanggap na It's Showtime staff kasi ang naniningil daw ng bayad para makapasok bilang studio audience sa nabanggit na noontime show.

Bagay na pinabulaanan naman ng management sa pamamagitan ng post sa kanilang opisyal na Facebook page.

"SCAMMER ALERT"

Events

Rendon sa pagtakbo ni Diwata: 'Baka akala magluluto, magtitinda lang siya ng pares!'

"Mag-ingat po tayo Madlang People! Hindi po staff ng Showtime o ng ABS-CBN si AIN PLE DRUMP at wala pong bayad ang panunuod ng LIVE sa Showtime. Maari pong i-report ang mga ganitong gawain sa amin, i-tag lang po kami sa aming mga social media accounts. Maraming salamat po!" anila.

It's Showtime - SCAMMER ALERT Mag-ingat po tayo Madlang People!... | Facebook