July 05, 2024

Home FEATURES Trending

Ogie Diaz, nag-aalala kay 'Boy Dila'

Ogie Diaz, nag-aalala kay 'Boy Dila'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Naghayag ng pag-aalala ang showbiz insider na si Ogie Diaz para kay Lexter Castro o mas kilala bilang "Boy Dila." 

Matatandaang nag-viral si Boy Dila dahil sa video nito kung saan matutunghayan ang mapang-asar niyang pambabasa sa isang rider sa ginanap na Wattah Wattah Festival sa San Juan City.

MAKI-BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!' 

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Hulyo 1, sinabi ni Ogie ang dahilan kung bakit siya nag-aalala kay Boy Dila.

Trending

Lalaking lumaking isang tuka, isang kahig; anak pala ng milyonaryo?

“Nagwo-worry ako dito kay Boy Dila. In the future ‘pag papasok siya ng trabaho baka lang hindi siya tanggapin,” saad ni Ogie.

“Dahil ‘pag iginoogle ‘yong pangalan niya, patay, ikaw pala ‘to. Ayaw namin ng mag-aakyat ka ng pangit na reputasyon dito sa aming kompanya,” wika niya.

Kaya pabirong hirit ng showbiz insider: “Magtayo ka na lang ng sarili mong negosyo. ‘Yong watergun. Magbenta siya ng mga watergun, ‘yong colorful.”

Sa kasalukuyan, ipinapahanap na raw ng lokal na pamahalaan ng San Juan City si Boy Dila para makausap at maturuan ng leksyon.

MAKI-BALITA: 'Boy Dila' pinapahanap na ng San Juan City LGU