July 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!

Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!

Mula mismo sa bibig ni Kapuso star Carla Abellana na "divorced" na sila ng dating mister at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez, sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Bisita ni King of Talk Boy Abunda si Carla para sa promotion ng upcoming mystery-drama series nito na "Widow's War" kasama si Bea Alonzo.

"Nasaan kayo ni Tom at this point?" diretsahang tanong ni Boy kay Carla.

"Ahm... we are divorced, recognized na po 'yan ng korte, ng local court po natin dito... we haven't spoken since, hindi pa po kami nagkikita o nag-uusap... we don't communicate anymore," sagot ni Carla.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Wala raw siyang update patungkol naman sa love life ni Tom, na kamakailan lamang ay usap-usapang isa nang tatay sa kaniyang foreigner partner sa ibang bansa.

MAKI-BALITA: Magdadamot muna: Tom Rodriguez, ayaw pang ipakilala ang bagong idine-date

Kamakailan, sinabi ni Carla na pabor siya sa diborsyo kahit na isa siyang Katoliko.

MAKI-BALITA: Carla, Katoliko pero aprub sa diborsyo: 'Marriage isn't easy, it can get toxic!'