Totoo nga bang nagselos ang Australian singer-songwriter na si Lenka kay “Queen of Bangsamoro Pop” Shaira Moro dahil sa natamo nitong katanyagan?

Sa kaniyang Instagram post noong International Women’s Day, isang netizen ang tila nagsumbong kay Lenka na may kumukuha umano at kumikita sa isang kanta niya.

“Hi Someone else is claiming your song and earning from it - it was ‘Selos’ shaira,” saad ng naturang netizen.

Tumugon naman dito si Lenka: “yes we have taken action [thanks]."

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Marami rin kasing nakakapansin na katunog umano ng “Trouble Is A Friend” ni Lenka ang “Selos” ni Shaira na naitala bilang number 1 sa sa Spotify Viral Songs PH noong Marso 8.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop

Sa kasalukuyan, binura na ng naturang netizen ang kaniyang komento sa post ni Lenka. 

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Lenka kaugnay sa naturang isyu bagama’t kinumpirma na ng record label ni Shaira na galing umano ang melody ng “Selos” sa “Trouble Is A Friend.” 

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform

Sa kabila nito, patuloy pa ring kinukuyog ng ilang fans si Lenka dahil sa ginawa nitong aksiyon laban kay Shaira. May isa pang netizen na nagsabing dapat daw magpasalamat ang Australian singer-songwriter sa Queen of Bangsamoro Pop.

MAKI-BALITA: Lenka, kinukuyog ng fans ni Shaira: ‘Hindi naman inangkin’

MAKI-BALITA: Lenka, dapat daw magpasalamat kay Shaira

Pero may ilan din namang Pinoy na dumepensa sa pangunguyog ng ilang fans dahil ginagawa lang daw ni Lenka kung ano ang tama.