Binalaan na ng National Housing Authority (NHA) ang publiko laban sa ilang grupo na ginagamit ang ahensya upang humihingi ng pondo.

Sa social media post ng NHA, nakatanggap sila ng ulat kamakailan na ilang grupo at indibidwal ang nag-so-solicit para sa mga programa ng mga kabataan.

Pagdidiin ng NHA, wala silang kinalaman sa ilegal na gawain ng ilang grupo at indibidwal dahil nakatatanggap ng alokasyon ang ahensya mula sa national government.

Iginiit ng ahensya, tinututukan nila ang pagpapatayo ng pabahay para sa mahihirap at hindi sa mga programa ng mga kabataan.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“NHA firmly denies any involvement of what appears to be some fraudulent activity. We caution the public to be vigilant in dealing with these organizations and individuals," pagbibigay-diin pa ng ahensya.