Tinututukan ng pamahalaan ang magkakahiwalay na forest fire sa kabundukan ng Benguet kasabay na rin ng pagpasok ng Fire Prevention Month.

Paliwanag ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, lima na ang idineklarang fire out, lima ang under control status, at tatlo naman ang patuloy na inaapula.

Bukod aniya sa Bureau of Fire Protection (BFP), tumutulong din ang Philippine Air Force (PAF) sa pag-apula ng sunog sa pamamagitan ng helicopter bucket operations.

Sinabi pa ng opisyal, tumutulong na ang United States Agency for International Development (USAID) sa pamamagitan ng pagbibigay ng epektibong pamamaraan sa pag-apula ng sunog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang naiulat ng BFP na daan-daang ektarya na ng kagubatan ang apektado ng insidente.