Pinag-aaralan na ng pamahalaan na magpatulong sa United States upang maapula ang malawakang forest fire sa Benguet na nagsimula pa nitong Enero.

Ito ang pahayag ni Office of the Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Hernando Caraig, Jr. matapos makipagpulong sa mga opisyal ng United States Agency for International Development (USAID) hinggil sa usapin.

Pagdidiin ni Caraig, nagdudulot ng malaking pinsala sa kalikasan ang nasabing sunog.

Naunang inihayag ng OCD na tumutulong na ang Philippine Air Force (PAF) sa pag-apula ng sunog mula pa nang sumiklab ito nitong Enero 29.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Sinabi naman ng Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit na sa 1,000 ektaryang bulubundukin ang nilamon ng apoy.

Pinag-aaralan na rin ng gobyerno na magsagawa ng cloud seeding operation sa lugar upang makatulong sa pag-apula ng sunog.