Ibinahagi ng action star na si Jeric Raval ang dahilan kung bakit hindi nakikita ngayon ng publiko ang anak niyang si AJ Raval. 

Sa latest vlog kasi ng content creator na si Morly Alinio noong Biyernes, Pebrero 23, kinumusta niya kay Jeric si AJ.

“Okay lang nasa Viva pa rin siya,” sagot ni Jeric.

“Bakit hindi na siya napagkikita at ayaw na ba niyang gumawa ng pelikula?” usisa pa ni Morly.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Parang gusto muna niyang magpahinga, e. Ayaw niyang naba-bash siya. Mayroon siyang gano’ng factor. Pagka napupulaan siya nang napupulaan, nagkakaroon siya ng lack of interest sa lahat ng bagay,” lahad ng action star.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya si AJ matapos niyang makipagrelasyon sa dating asawa ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica.

MAKI-BALITA: AJ Raval, nakipagbardahan sa bashers; pag-uusap nila ni Kylie Padilla, isinapubliko!

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinuking ni Jeric na nagsasama na raw sina AJ at Aljur. 

Pero paglilinaw niya, hindi raw buntis ang kaniyang anak taliwas sa mga kumakalat na balita.

MAKI-BALITA: AJ Raval, binabahay na raw ni Aljur Abrenica?