Rollback sa presyo ng langis, asahan next week
Asahan na ang ipatutupad na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pahayag ng Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau, tinatayang aabot sa ₱0.70 hanggang ₱0.90 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Posibleng bawasan ng ₱1.00 hanggang ₱1.20 ang presyo ng bawat litro ng diesel at bababa naman ng ₱0.90 hanggang ₱1.00 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Idinagdag pa ng DOE, ang naturang hakbang ay batay lamang sa resulta ng oil trading sa nakaraang apat na araw.