Nasa ₱10 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinunog sa magkakahiwalay na operasyon sa Tinglayan, Kalinga kamakailan.

Sa social media post ng Tinglayan Municipal Police Station, ang anti-drug operations ay isinagawa sa anim na taniman ng marijuana sa Barangay Butbut Proper nitong Pebrero 16-17.

Sa sunud-sunod na operasyon ng Provincial Police Drug Enforcement Unit, Kalinga Provincial Intelligence Unit at Tinglayan Police sa apat na taniman nitong Pebrero 16, nasamsam ng mga ito ang 29,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱5.8 milyon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aabot naman sa ₱4.2 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinunog sa dalawa pang taniman sa nasabi ring bayan nitong Pebrero 17.

Sinunog ang mga tanim na marijuana upang hindi na mapakinabangan ng mga may-ari ng plantasyon, ayon sa mga raiding team.

Gayunman, walang naaresto sa magkasunod na operasyon ng pulisya.