Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang command conference ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ng umaga.

Dahil dito, naging mahigpit ang seguridad sa labas at loob ng Camp Crame.

Pinapapasok lamang sa kampo ang mga opisyal na dadalo sa pagpupulong. 

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Pansamantala ring sinuspindi ang transaksyon ng publiko sa ilang tanggapan ng PNP upang bigyang-daan ang nasabing pagpupulong.

Nauna nang sinabi ni PNP chief, Gen. Benjamin Acorda, Jr. na kabilang sa iuulat ng PNP kay Marcos ang usapin ng seguridad ng bansa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong pakikipagpulong ni Marcos sa PNP ngayong taon.