Kasalukuyan daw iniisip ni Kapamilya star Daniel Padilla kung paano mapapaamo si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo matapos nilang maghiwalay.

Sa latest episode kasi ng Showbiz Now Na nitong Sabado, Pebrero 11, sinabi ng host na si Romel Chika na nagsa-suffer na raw ang career ni Daniel.

“‘Yong sa career nga, medyo makakapaghintay pa, e. E, ‘yong sa sariling niyang pakiramdam, sa emosyon?” saad ni showbiz columnist Cristy Fermin.

“Ngayon pa lang siguro pumapasok ‘yong ika nga e reyalisasyon. Malaki ang nawala talaga kay Daniel Padilla,” aniya.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Kaya naman, lumulutang daw ang mga kuwentong dumudulog daw si Daniel sa mga common friend nila ni Kathryn para mailapit siyang muli rito.

“Pero mukhang walang resultang positibo,” pasubali ni Cristy.

“Sa ngayon, wala pa siyang maaasahan dyan. Kasi nasa move on period sila ngayon,” sabi naman ni Romel.

Matatandaang nauna nang naiulat ni Cristy na si Daniel daw ang dehado sa break up nila ni Kathryn. 

MAKI-BALITA: Daniel, dehado sa hiwalayan nila ni Kathryn?

In fact, nanganganib na nga raw ang aktor dahil nababawasan na raw ang endorsement niya hindi gaya ni Kathryn na patuloy na nadadagdagan.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, nanganganib; endorsement nababawasan daw?