Sa kabila ng tensyon na nagaganap sa gobyerno ng Pilipinas, tila may pakiusap si dating Bise Presidente Leni Robredo sa publiko.

Sa kaniyang Facebook post, inupload ni Robredo ang kanta ng "The Company" na may title na "Sang Tawag Mo Lang." Inilagay niya sa caption ang parte ng lyrics na, "asahan mong hindi ka iiwan sa mundong may hangganan."

"Pakiusap lang na sabayan ng hinahon ang tibay ng panindigan. Lagi’t lagi - Tayo, hindi Kami at Kayo," saad pa ng dating bise presidente sa naturang post.

Leni flinex pagpapagupit, beauty rest lang daw sa kabila ng bardagulan

Kamakailan, nag-viral ang picture na inupload ni Robredo habang nagpapagupit siya ng buhok.

Sey ng mga netizen, chill at relax lang si Robredo habang nagbabardagulan daw ang kampo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng magkahiwalay na political events na naganap sa Quirino Grandstand sa Maynila at sa Davao City.

MAKI-BALITA: Leni flinex pagpapagupit, beauty rest lang daw sa kabila ng bardagulan

Matatandaang binanatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si PBBM na magbitiw na lamang sa posisyon kung wala itong pag-ibig sa bayan. Dagdag pa niya, “tamad” at “walang compassion” daw ang pangulo. Nagsimula ang lahat ng gusot sa “confidential fund” ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte hanggang sa mapunta na nga sa usapin ng People’s Initiative na pagtatangkang baguhin o amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.

MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM

MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’

Binanatan din ni FPRRD si PBBM na gumagamit daw ng pinagbabawal na gamot at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM

Itinanggi naman ng PDEA na nasa watchlist nila ang pangalan ni PBBM.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Sinabi naman ni PBBM na matagal nang gumagamit ng “fentanyl” si FPRRD.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM

Ipinagtanggol naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pinsang si PBBM laban sa mga maaanghang na pahayag ni Duterte.

MAKI-BALITA: Romualdez, pumalag sa banat ni Baste kay PBBM: ‘Masipag ang presidente’

MAKI-BALITA: ‘Tama na pambubudol!’ Romualdez, pinagtanggol si PBBM vs pamilya Duterte

Sa kaniyang opisyal na pahayag naman ay sinabi ni VP Sara na hindi niya kinausap ang kapatid tungkol sa mga nasabi nito laban sa pangulo.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagsalita ukol sa panawagan ng kapatid na mag-resign na si PBBM