Tila may bagong aabangan sa Kapamilya stars na sina Xyriel Manabat at Andrea Brillantes sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang seryeng “Senior High.” 

Interesado raw kasi sina Xyriel at Andrea na gumanap sa proyektong may kinalaman sa “girls love”

Sa latest episode ng Marites University nitong Huwebes, Enero 11, tsinika ni showbiz insider Rose Garcia ang naging sagot ni Xyriel sa isang panayam.

Ayon kay Rose, mas komportable daw si Xyriel kung sakali na ang magiging first kissing scene nito ay sa kapuwa aktres.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

“Kasi daw parang feeling niya, mas komportable siya. Mas walang ilangan. Tapos, tawa nang tawa si Andrea habang sinasabi niya ‘yon. May nagtanong kasi ‘mayroon ka na bang nakikita na artistang babae na gusto mong maka-eksena if ever?’” kuwento ni Rose.

“Sabi niya, ‘actually ano po, ito po tumatawa po siya. Matagal na po naming napag-uusapan ‘to. At kinikilig po siya kapagka tinititigan ko siya’. May mga mga ganoon si Xyriel. So, hanggang sa i-reveal na nga na si Andrea ‘to,” aniya.

Bukod pa rito, maging si Andrea pala ay bet din daw ang ganoong klaseng proyekto. Napansin daw kasi niya na kakaunti lang ang mga GL series na ipinapalabas kumpara sa mga boys love o BL.

“Gusto rin niya [Andrea] na mabigyan din ng platform itong mga GL,” saad pa ni Rose.

Samantala, posible rin daw magkaroon ng BL series ang co-stars nina Xyriel at Andrea na sina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez.

MAKI-BALITA: Zaijan Jaranilla, Miggy Jimenez posibleng magka-BL series?