Nagpakawala muli ng smog o vog ang Taal Volcano sa nakalipas na pagbabantay ng PhiliPhilippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Inihayag ng Phivolcs, resulta lamang ito ng sulfur dioxide emission ng bulkan na umabot sa 10,933 tonelada.

Umabot din sa 2,400 metrong taas ang ibinugang puting usok ng Taal Volcano na tinangay ng hangin pa-timog-kanluran at timog-timog kanluran.

Sa kabila nito, walang naitalang pagyanig sa nakaraang 24-hour monitoring ng Phivolcs.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa bulkang Taal kaya't bawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures.

Idinagdag pa ng ahensya, nakaamba pa rin ang phreatic explosions, pagyanig at ashfall sa mga lugar sa paligid ng bulkan.