Sumalang si Kapuso star Bea Alonzo sa “Luis Listens” ni TV host-actor Luis Manzano nitong Martes, Enero 9.

Sa latest episode ng nasabing vlog ni Luis, sumailalim si Bea sa lie detector test at isa sa mga inusisa sa kaniya ay kung na-in love na ba siya sa co-actor niya.

"Every love story na ginagawa ko and every co-actor na nakakasama ko, nai-inlove naman talaga ako. Kailangan 'yun, e," saad ni Bea.

"You have to find a trait or anything about your partner that you can fall in love with…Pero yes, na-in love na ko sa co-actor," dagdag pa niya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pagkatapos masagot ni Bea ang tanong ni Luis, truth ang lumabas na resulta sa lie detector. Ibig sabihin, nagsasabi ng totoo ang aktres.

Pero hindi na ito nasundan pa ng kasunod na tanong kaya hindi na napangalanan pa ni Bea kung kaninong co-actor siya na-in love.

Sa mahigit dalawang dekada sa showbiz industry, marami nang nakatrabahong aktor si Bea sa pelikula man o teleserye.

Ilan sa mga ito ay sina Dingdong Dantes sa “She’s The One” (2013), John Lloyd Cruz sa “Now That I Have You” (2004), One More Chance” (2007), “Before Midnight” (2010)“, “A Second Chance” (2015) at iba pa, Derek Ramsay sa “Kasal” (2018) at “And I Love You So” (2009), Sam Milby sa “And I Love You So” (2009), Vic Sotto sa “Pak! Pak! My Dr. Kwak!” (2011), Alden Richards sa “Star-Up PH” (2022), Paulo Avelino sa “Kasal” (2018), Gerald Anderson sa “How To Be Yours” (2016), at Dennis Trillo na kauna-unahan niyang naka-love sa youth-oriented show na

“K2BU” (2002).

Si Dennis din ang huli niyang nakatrabaho sa katatapos lang na “Love Before Sunrise” (2023) ng Kapuso Network. Pero sa lahat ng mga naging leading man ni Bea, si Gerald lang ang naging jowa niya.

MAKI-BALITA: Pa-sunset na: Serye nina Bea at Dennis nasa huling 2 linggo na