Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa isang Facebook page na gumagamit umano sa pangalan ng Malasakit Program Office para ipakalat sa social media ang tungkol sa hindi totoong "loan centers."

Sa isang Facebook post nitong Martes, Enero 9, ibinahagi nito ang screenshot ng isang Facebook page na “Malasakit Center Loan Assistance,” na mayroon nang 1,100 followers.

“The said page is FAKE, and is not in any way or form affiliated with the Malasakit Center,” pahayag ng DOH.

Binigyang-diin naman ng ahensya na maaari itong maghain ng mga kasong kriminal kung magpapatuloy umano ang mga post/s na may kaugnayan sa naturang maling impormasyon.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“Criminal charges may be pressed if related post/s shall persist,” babala ng DOH.

“The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department,” saad pa nito.