Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga kumakalat sa social media na nagsasabing mamamahagi umano ang ahensya ng “New Year’s gift” sa mga sasagot sa isang survey questionnaire.

“Huwag paloloko! Hindi totoo ang kumakalat na link sa Messenger na ang DSWD ay namamahagi ng New Year's gift sa pamamagitan lamang ng pagsagot sa isang survey questionnaire,” babala ng DSWD sa isang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 28.

“Huwag magpalinlang sa mga posts o link kung hindi ito galing sa official Facebook page ng DSWD,” dagdag nito.

Binanggit naman ng ahensya ang kanilang opisyal na social media accounts, tulad ng Facebook: @dswdserves (Department of Social Welfare and Development), X (dating Twitter): @dswdserves (www.twitter.com/dswdserves), YouTube: @dswdserves (www.youtube.com/dswdserves), Instagram: @dswdphilippines (www.instagram.com/dswdphilippines) at website: www.dswd.gov.ph.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

“Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa online. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source,” anang DSWD.

“Sama-sama tayo sa paglaban sa mga maling impormasyon dahil sa DSWD, bawal ang fake news,” saad pa nito.