Tila dahil sa pagiging workaholic, ibinahagi ng singer na si Darren Espanto ang kaniyang “lutang” moment nitong Martes, Disyembre 26.

Sa kaniyang X post, ikinuwento ni Darren ang kaniyang lutang moment.

Eleksyon

Ogie Diaz, may payo sa publiko tungkol sa pagboto sa mga kandidatong artista

Aniya, pumasok daw siya sa isang salon at narinig niyang nagpe-play ang kantang “Bibitaw Na.” Ang tagal daw niya bago na-realize na kanta niya pala ‘yun.

“Pag pasok ko sa salon kanina nasa MYX yung channel ng TV and nag ple-play yung ‘Bibitaw Na’ and sabi ko familiar yung song. Ta’s antagal bago ko na-realize na kanta ko nga pala yun,” saad niya.

“Lutang na po tayo pero ‘di tatagos sa pader bago mag New Year!” aniya pa.

https://twitter.com/Espanto2001/status/1739515786312687982

Ang nasabing kanta ay inilabas nito lamang 2023.

Mapapanood si Darren ngayon sa It’s Showtime bilang isa sa mga co-host ng noontime show.