Sinariwa ni Kapamilya star Kathryn Bernardo ang alaala ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez na kilala sa karakter na “Lolo Sir” sa teleseryeng “2 Good 2 Be True” kung saan sila nagkasamang dalawa.

Pumanaw na kasi ang aktor nitong Linggo ng tanghali, Disyembre 17, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Kapag binisita ang Instagram account ni Kathryn, makikita na halos mapuno ang kaniyang IG story ng mga video at picture ni Lolo Sir.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Tila hindi maisatitik ni Kathryn ang lungkot na nararamdaman sa pagyao ng beteranong aktor dahil walang anomang kahit anong mensaheng nakapaloob sa mga video at larawan na nasa kaniyang IG story.

Hindi naman kasi talaga maitatanggi na napalapit si Kathryn kay Lolo Sir. Matatandaang noong nakaraan taon ay nagbigay pa siya ng appreciation post para sa beteranong aktor.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, may appreciation post kay ‘Lolo Sir’: ‘You are the lolo I never had’

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na opisyal na ulat hinggil sa dahilan ng pagpanaw ni Lolo Sir.