*Trigger warning: Ang artikulong ito ay naglalaman ng usapin hinggil sa depresyon.

Inamin umano ni “Asia’s Multimedia Star” at Kapuso star Alden Richards na nagkaroon umano siya ng depression.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute kamakailan, isiniwalat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol dito.

Ayon kay Cristy, natutuwa umano siya para kay Alden dahil umabot na sa ₱100M ang kinita ng pelikula nito at ni Julia Montes. 

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Alam mo ‘yung mga salansan ng stars, ‘di ba, talagang ganda-ganda para kay Alden Richards. Pero ‘di ba inamin naman niya na one time nagkaroon din siya ng depresyon. Akala daw kasi niya wala na siyang saysay sa mundo ng showbiz,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist na tila kinakausap si Alden: “Anak, kailangan mo rin naman talagang magpahinga. Hindi ka naman makina. At kahit makina nga ipinagpapahinga para pakinabangan pagkatapos linisin.”  

Pero sa kasalukuyan, tila bumubuti na ang kalagayan ni Alden. Sa katunayan, sunod-sunod ang kaniyang proyekto.

Matapos nilang magtambal ni Julia sa pelikulang “Five Breakups and A Romance”, makakasama naman niya si Megastar Sharon Cuneta.sa pelikulang kalahok sa darating na 49th Metro Manila Film Festival kasama 

MAKI-BALITA: Trailer, poster ng bagong pelikula nina Alden Richards, Julia Montes, inilabas na

MAKI-BALITA: Alden Richards, Sharon Cuneta magsasama sa pelikula