May nararamdaman umanong insecurity si Kapamilya star Daniel Padilla kay “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Disyembre 6, naungkat ang tungkol sa pagtatambal nina Alden at ex-jowa ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.
Ayon sa kuwento ni Romel Chika, kaya raw natatagalan masundan ang pelikulang ito nina Kathryn at Alden ay dahil ayaw umano ni Daniel na magkatrabaho muli ang dalawa.
Matatandaan kasing may mga fan na humihirit ng sequel dahil sa tagumpay na nakamit ng pelikula. Sa katunayan, itinuring itong highest-grossing movie sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino matapos kumita ng ₱880.6M.
MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel
“Hindi, ang pinakamalinaw doon, noong sumunod siya [Daniel] sa Hongkong—kay Kathryn—binati niya lahat ‘yung nandoon. Nilampasan niya si Alden,” saad naman ni Cristy.
“Anong tawag mo doon? O, di ba. Eh ‘di nai-insecure ka at nagseselos ka at the same time,” sabi pa ng showbiz columnist.
Matatandaan na matapos kumpimahin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan, may mga fan na shini-ship si Kathryn kay Alden.
MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’
MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na
MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn
Pero hindi na nagbigay pa ng pahayag si Alden hinggil sa isyung ito dahil ayaw niya raw ma-bash.
MAKI-BALITA: Alden Richards, ayaw magsalita sa hiwalayan ng KathNiel