Ibinahagi ni TV host-actress Karla Estrada ang video ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa kaniyang Facebook account kamakailan.

Sa Facebook reels na in-upload ni Boy noon pang Oktubre 28, mapapanood na tila nagpapayo siya tungkol sa mga tao na nagpapakalat umano ng mga maling balita.

“‘Pag may tsismis, o ‘di kaya’y maling balita, ‘wag mo nang ulitin. ‘Wag mo nang sabihin: ‘Alam mo, hindi ako sigurado dito, ha, pero narinig ko ito’. Kasi parang ipinakakalat mo ang isang bagay na hindi ka naman sigurado kung totoo,” pahayag ni Boy sa naturang video.

“Sobra nang gulo ng mundo. Wag na tayo dumagdag,” sabi pa sa caption ng post.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Shinare ni Karla ang nasabing video matapos itsika ni showbiz columnist Ogie Diaz ang tungkol sa palihim na pagkikita umano ng anak niyang si Daniel Padilla at ng kapuwa Kapamilya star nitong si Andrea Brillantes.

Photo courtesy: Screenshots from Karla Estrada/Boy Abunda (FB)

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Suspetsa tuloy ng mga netizen, si Ogie ang pinapahagingan ni Karla sa nasabing Facebook reels. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Tinamaan si Ogie Diaz🤣🤣”

“Hahahah Sana mapanuod nya ng tumigil na. ISA ding papasin Yun eh 😅”

“Hala ka ogie 😅”

“Aray! may tinamaan”

“Ogie Diaz may sinasabi si Tito Boy 🥱🥱🥱”

“Watch this Mr. OD.”

“Sapul ! The Ogie Diaz Sobrang gulo n ng mundo wag kn dw dumagdag pa ! Sabi ni tito boy 🤣😂🤪”

“The Ogie Diaz 🙂 tag ko na!!! HAHAHAHAHA isang patunay na isa man sa mga malalapit mong kaibigan eeeh ibabackstab ka pa rin.”

“Ogie diaz left the earth”

“Sana makita mo to Ogie hahahaha 😂”

Tila natupad naman ang hiling ng mga netizen dahil nakarating kay Ogie ang shinare na Facebook reels ni Karla. Sa katunayan, nagbigay pa siya ng reaksiyon tungkol dito.

“Ang ikinakalat namin ay sana hindi totoo,” saad ni Ogie.

Sinang-ayunan naman ito ni Mama Loi: “Oo nga, ‘no. Simula, Nay, wala kang ibang bukambibig: ‘Ito may impormasyon, sana hindi totoo’.”

“Oo, at laging may hindi pa ito confirmed,” dugtong pa ni Ogie.

Pero ano’t anoman, ang mahalaga, humingi na ng paumanhin si Ogie sa lahat ng tao at artistang na-offend dahil sa kaniyang mga ibinabalita.