Itinalaga ng Malacañang si dating Quezon City 1st District Rep. Anthony Peter Crisologo bilang board member ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes ng gabi.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Si Crisologo ay dating nanungkulan bilang kongresista ng lungsod at kumandidato muli noong 2022 national and local elections.

Gayunman, natalo si Crisologo nang tumakbo muli sa pagka-kongresista laban sa artistang si Arjo Atayde.

Bukod kay Crisologo, itinalaga rin si Cesar Siador, Jr. bilang general manager, chief executive office at board member ng PRA.

Kabilang ding itinalaga si Alexander Lopez bilang isa sa miyembro ng board of directors.