Nagulat ang madlang people at mga manonood nang lumitaw sa performance ng Team Vice Ganda, Cianne, at Jackie ang dati nilang co-hosts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang anak na si Baby Amari.

Silang dalawa ang special guests ni Vice sa "Magpasikat 2023" performance nila ngayong Huwebes, Nobyembre 9.

Matatandaang nagkaroon ng isyu na umano'y may tampuhan sa pagitan nina Vice Ganda at Billy simula nang lisanin ng huli ang noontime show at maging bahagi ng "Lunch Out Loud" o LOL, ang katapat nilang noontime show noon sa TV5, na kalaunan ay naging "Tropang LOL" hanggang sa matsugi na nga.

Sa pag-guest nina Billy at Coleen ay natuldukan na ang matagal nang alingawgaw na hanggang ngayon ay hindi sila okay.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Okay na okay na kami ni Billy," sey ni Vice Ganda.

"Pero hindi kasi kami 'yong tipong... 'di ba, basta okay kami."

Napagtanto raw ni Vice Ganda ang tungkol sa salitang "healing" dahil sa konsepto ng performance naman ng team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid na nagpasiklab naman kahapon ng Miyerkules, Nobyembre 8.

Ang presensya raw nina Billy at Coleen sa performance nila ay may mensahe raw sa mga nagnanais na ma-inspire na mag-heal.

Nag-sorry naman si Billy kay Vice, sa madlang people, at mga Kapamilya. Aniya, ginawa lamang niya ang mga ginawa niya dahil gagawin niya ang lahat para sa kaniyang pamilya.