Bubuo ng intelligence group si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. laban sa korapsyon at smuggling na matagal nang problema sa sektor ng agrikultura.

“I will be creating my own intelligence group. They are here now, but you don’t know them,” pahayag ni Laurel sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

Isa aniya sa kautusan ni Marcos na "linisin ang ahensya kung may dumi ito."

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Sinagot din nito ang alegasyon ng grupong Pamalakaya na uunahin ni Laurel ang kapakanan ng mga kumpanya nito, gamit ang kanyang puwesto.

“Nag-divest na ako.  I have no more interest in all the companies that I used to own,” pagdidiin pa ng opisyal.