Inamin ni award-winning actress Alessandra De Rossi na mapili umano siya sa ibinibigay na proyekto nang kapanayamin siya ng showbiz-insider host na si Aster Amoyo kamakailan.

Nabanggit kasi ni Aster na tila napakaabalang tao ni Alessandra at halos hindi nawawalan ng proyekto.

“Ang maganda kasi sa ‘yo, napaka-busy mo. Hindi ka nawawalan ng proyekto,” sabi ni Aster.

“Hindi totoo,” tanggi ni Alessandra. “Well, totoo ‘yun. ‘Yung hindi nawawalan ng offer. Pero mas marami akong ‘no’ kaysa ‘yes’.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Why?” tanong ni Aster.

“It’s the role, it’s the message, it’s the co-actor, ‘yung mga ganoon,” tugon ni Alessandra.

“So, ito na ‘yung time na dumating ka na sa point na namimili ka na ng proyekto?” usisa ni Aster.

Sagot ni Alessandra: “No, bata pa lang ako ganoon na ako.”

Sa katunayan, noong 13 years old siya, may direktor umanong nanigaw sa kaniya at sinabihan siyang mayabang at hindi sisikat dahil ayaw niya umanong makipag-kissing scene

Anyway, tila napatunayan na naman ni Alessandra na mali ang sinabi ng direktor tungkol sa kaniya. Lalo na nang ilunsad noong 2017 ang pelikula nila ni Empoy na “Kita Kita” na naitala bilang highest-grossing independent film sa Pilipinas.