Plano ng bagong upong kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Francisco Tiu-Laurel na maibaba ang presyo ng bigas sa mga susunod na buwan.

Ito ang pahayag ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa at sinabing isa lamang ito sa prayoridad ng ahensya sa pamumuno ni Laurel.

Bukod dito, hahabulin din aniya ng ahensya ang mga smuggler at hoarder ng bigas para na rin sa kapakanan ng mga magsasaka.

Gumagawa na rin aniya ng paraan ang DA upang matulungan ang mga mangingisda na apektado ng usapin sa West Philippine Sea (WPS).

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Kaugnay nito, nagdududa naman ang grupo ng mga mangingisdang Pamalakaya at sinabing mayroong conflict of interest sa pamumuno ni Laurel dahil galing ito sa fishing sector.