Tampok sa usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang dalawang artistang sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Nobyembre 4, naitanong ni Ogie kung umamin umano sina Paulo at Janine sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa.

“Parang hindi,” sagot ni Mama Loi.

“Pero parang silent acceptance. Parang ganoon. Parang alam ng mga nakapaligid na sila,” dagdag pa nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

May nagtsika raw kasi kay Ogie na hiwalay na umano ang dalawa kaya napatanong siya bigla kung naging magkarelasyon ba talaga ang mga ito.

“Mayroon namang ganoon talaga. ‘Yung mga fans lang talaga nage-expect sila na kung ano talaga ‘yung real score, sabihin n’yo sa amin para updated din sila. May mga ganoon sila,” paliwanag naman ni Ogie.

Tila hanggang ngayon daw kasi, hindi pa rin matanggap ng mga tao na may mga itinatago rin ang mga hinahangaan nilang artista para bigyan ng pribadong espasyo ang sarili ng mga ito.

Pero matatandaang sa isang panayam ni Janine, inamin niyang may espesyal na ugnayang namamagitan sa kanila ni Paulo. Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?

Nagkasama sina Janine at Paulo sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” noong 2021 kung kailan lumipat ang aktres sa ABS-CBN mula GMA Network. 

Bukod dito, naging magkatrabaho rin ang dalawa sa pelikulang “Ngayon Kaya” na idinirek ni Prime Cruz noong 2022.