Ikinuwento ni DJ Jhai Ho sa isang episode ng “Marites University” noong Biyernes, Nobyembre 3, ang tungkol sa isang panayam niya sa aktor na si Gerald Anderson.
Umani raw kasi ng batikos si Gerald matapos tanungin kung kailan niya umano balak pakasalan ang jowa niyang si Julia Barretto.
“Parang ang nasagot ‘ata niya, parang, sa ngayon parang work focus something like ganoon. Correct me if I’m wrong, pero parang ganoon ‘yung koteksto ng interview na maraming bumatikos kay Ge kasi parang ang sabi ‘ay, talaga naman po si red flag’,” kuwento ni DJ Jhai Ho.
Pero ayon sa kaniya: “Nakapanayam ko kasi si Gerald recently ‘yung about na na naman diyan.”
“In all fairness parang maganda ‘yung pagkaka-explain ni Ge na ang nilalaman ng sagot niya, parang hindi naman sa wala silang plano…Pero parang mas gusto niya siguro talaga na ‘yung ginagawa naman niyang pagtatrabaho ngayon ay his preparing pa rin talaga para doon sa magiging future nila,” dagdag pa ni DJ Jhai Ho.
Hindi raw tuloy ma-gets ni Rose Garcia kung bakit minamasama umano ng mga tao kung nagpo-focus sina Gerald at Julia sa trabaho.
“Anong masama doon? E, kung ‘yun talaga ‘yung focus nila at di pa sila nagra-rush na magpakasal or what.,” sabi pa nito.
Sa kasalukuyan, going strong naman ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, nitong Hulyo ay sinabi ni Gerald sa isang panayam na magaan umanong karelasyon si Julia.
MAKI-BALITA: Julia, magaang karelasyon, bida ni Gerald: ‘Sobrang secure siya sa pagkatao niya!’