Labor issue sa pagitan ng PH, Kuwait reresolbahin
Nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maresolba ng Pilipinas at Kuwait ang kasalukuyan nilang labor issue.
Ito ang isinapubliko ni Marcos matapos maisingit ang kanyang pakikipagpulong kay Kuwaiti Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah sa dinaluhan nilang ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia nitong Biyernes.
Ayon kay Marcos, sinabi sa kanya ni Al-Sabah na nagagalit siya sa ginagawa ng mga tauhan nito.
Sinabi rin ni Al-Sabah na hindi siya dapat humingi ng paumanhin si Marcos hinggil sa usapin.
“The words that he used, ‘Do not listen to them. I do not agree with what they have been doing.’ And, in fact, he said, ‘I do not want…There is no reason for you to apologize to us,’” anang Pangulo.
“‘We will fix it and we will make it because we love the Philippines," banggit pa aniya ni Al-Sabah.