Nagbigay ng reaksiyon si Kapuso actress Analyn Barro matapos sabihin ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda noong Biyernes, Oktubre 20, na crush umano ito ng komedyanteng si Empoy.

Matatandaan kasing sa isang episode ng “">Fast Talk with Boy Abunda”, inaasar si Empoy ng kaniyang kapuwa guest na si Jayson Gainza tungkol sa isang babaeng nagngangalang “Analyn”.

Pinrank pa nga ni Tito Boy si Empoy matapos niyang magkunwaring kausap sa telepono ang “Analyn” na tinutukoy ni Jayson.

Tila nagkaroon naman ng ideya si Tito Boy kung sino ang tinutukoy na babae matapos niyang tawagan si Analyn Barro at tanungin hinggil dito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

At dito na nga napagtagpi-tagpi ang lahat. Na kaya pala kakaiba ang kilos na ipinakita ni Empoy kay Analyn noong nakaraang GMA Gala ay dahil crush siya nito.

“She was about to leave the venue. Lumapit daw si Empoy sa kaniya at nagsabing ‘hi, Ana may sasabihin sana ako sa ‘yo’. So, sabi naman ni Ana: ‘yeah anong gusto mong sabihin?’ Sabi daw ni Empoy [napatulala]. Ibig sabihin, hindi nakapagsalita,” kuwento ni Boy.

Kaya ang tanong, magkita kaya ang dalawa sa darating na Sparkle Spell ng GMA sa darating na Oktubre 22?