Posibleng alisin ng Pilipinas ang ipinatutupad na deployment ban sa Kuwait.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pinag-uusapan na ng Kuwait at Philippine government ang usapin.

Nagkaroon ng pagpupulong sina Marcos at Kuwaiti Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah sa pagtatapos ng ASEAN-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit nitong Oktubre 20 kung saan kabilang sa inilatag ng mga ito ang usapin.

"He was very effusive in saying we should remove all of those and we should continue as we had done before, which is a very important development because for a few months now, we have had to ban the deployment of Philippine workers in Kuwait," pahayag ni Marcos.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Matatandaang ipinagbawal muna ng Pilipinas ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait kasunod ng pagkakapaslang kay Jullebee Ranara, 35, sa disyerto ng Kuwait noong Enero.