Nag-aalok na ang pamahalaan ng repatriation assistance package na ₱50,000 sa bawat overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng digmaan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas, ayon sa pahayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa pahayag ni OWWA chief Arnaldo Ignacio, inilunsad nila ang assistance program upang mabigyan ng kaginhawaan ang mga OFW sa lugar.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Bibigyan din nila ng airport at transportation assistance ang mga uuwing manggagawang Pinoy.

Matatandaang iniutos ng pamahalaan na magpatupad ng repatriation sa mga Pinoy na naiipit sa giyera na nag-ugat sa pagsalakay ng Hamas sa Israel kamakailan.