Mula mismo sa versatile na Kapamilya singer, performer, at aktor na si "Darren Espanto" na ang kaniyang screen name ay "Darren" na lamang at wala na ang apelyido.

Ayon sa ginanap na media conference ng "Can't Buy Me Love," ang unang teleseryeng pagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas sikat sa tambalang "DonBelle" kung saan kabilang si Darren, ito raw kasi ang tinatahak ng "rebranding" niya para sa kaniyang showbiz career.

Hindi na bago kay Darren ang pag-arte dahil napabilang na rin siya sa isang pelikula noon; subalit sa isang serye, tila first time ni Darren ang mag-appear dito.

Anyway, magtanggal man muna ang singer-actor ng apelyido niya, hindi naman na mawawala at matatanggal ang taglay niyang talento.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University