Napag-alaman ni Kapamilya newscaster Bernadette Sembrano sa panayam niya sa mag-asawang Gelli De Belen at Ariel Rivera na naiilang umanong marinig ng huli ang sarili niyang mga kanta.

Kuwento ni Gelli, nahihiya umano si Ariel kapag naririnig ang sariling kanta sa mga lugar na pinupuntahan nila. Kaya gusto nitong ipatigil ito sa kung sinomang nagpapatugtog.

“For me, it’s like, it’s icky, e. I don’t allow people to play in my house…Bawal magpatugtog ng music ko. Bawal magpanood ng movies ko or shows ko,” sabi ni Ariel.

Nang tanungin siya ni Bernadette kung bakit ganoon siya, sinabi nito na gusto niya umanong maging iba siya pagdating sa bahay sa kung ano siya kapag nasa trabaho lalo na noong maging ama siya ng kaniyang mga anak.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“I’ve always been very definitive with what I wanted. I want my workplace and my house to be different. When I’m home, I’m Ariel the dad or Ariel the husband. When I’m outside the house, I can be a real celebrity or artist. I want it separated…I guess lalo na noong I had kids na. I just didn’t want them to view me as somebody else. I just want them to view me as dad,” paliwanag niya.

Kasalukuyang may dalawang anak na lalaki ang mag-asawa. Sina Joaquin Andres de Belen Rivera at ang bunsong si Julio Alessandro.

Noong 2019, ikinuwento ni Gelli ang sekreto ng matatag nilang relasyon ni Ariel.

MAKI-BALITA: Sekreto ng 21 taong samahan nina Ariel at Gelli