Sa pambihirang pagkakataon ay bumisita at naki-"What's up Madlang People" ang GMA Network executives sa pangunguna ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.
Sinamahan sila ni ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast na si Cory Vidanes.
Naupo sina Gozon-Valdes at iba pang Kapuso executives sa audience area ng Madlang People at nanood ng segment na "Rampanalo."
Tila all-out ang suportang ipinakita ng GMA at ABS-CBN executives, sa araw na inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang desisyon tungkol sa motion for reconsideration ng noontime program.
Ayon sa inilabas na opisyal na pahayag, ibinasura ng MTRCB ang apela ng noontime show, kaugnay ng 12 airing day-suspension na ipinataw sa kanila.
MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime