Ibinunyag ng komedyanteng si Wacky Kiray ang pagkakaroon niya umano ng third eye sa kaniyang panayam sa “Iskovery Night” nitong Biyernes, Setyembre 22.

Kinumpirma kasi ni Isko Moreno kay Kiray kung totoo ba ang bali-balitang may third eye siya. Nang tanungin siya nito, hindi naman iyon itinanggi ng komedyante.

“Balita ko may third eye ka raw?”

“Meron. Pero actually nakasanayan ko na siya, e. Parang ini-ignore ko na lang, e.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ni Kiray, hindi lang umano niya nararamdaman ang mga multo. Nakikita pa raw niya ang mga ito.

Kaya hindi nakapagtatakang dumarating sa punto na gusto niyang ipasara ang kaniyang third eye dahil hindi umano ito nakakatuwang karanasan.

Pero kahit ganun, hindi raw siya naniniwala sa mga tao na nagpiprisintang magsara ng third eye niya.

“Kasi ang ginagawa ko, nakasanayan ko na lang. Kung anong nakikita ko, dinededma ko na lang.”

Mahirap daw kasi kapag ini-entertain ang mga multo dahil lalong nagpaparamdam; laging sa ‘yo lalapit.

Sa ngayon, wala pa umanong maipapayo si Kiray sa mga kagaya niya na nakakaranas din ng kaparehong karanasan. Sa katunayan, siya raw ang gustong humingi ng payo. Hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang ginagawa niyang pandededma sa mga multo.

Matatandaang kamakailan lang ay kinaaliwan pa ang larawang ibinahagi ni Kiray sa kaniyang Facebook account kung saan niya kasama ang kaniyang mga kapuwa kalbo.

MAKI-BALITA: Nag-align na ang mga planets, Wacks! Wacky Kiray, ‘nag-blend’ in sa England – Balita