Mainit na tinanggap at winelcome ng "E.A.T." host ang kanilang pinakabagong Dabarkads host na si Atasha Muhlach, anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach.

Sa Saturday episode ng noontime show na mapapanood sa TV5, opisyal nang parte ng E.A.T. si Atasha na game na game na nakipag-TikTok sa co-hosts.

"NEWEST DABARKADS IN THE HOUSE! 🥳," mababasa sa caption ng Instagram post sa opisyal na IG page ng TV5.

"Let’s all give Atasha Muhlach a warm welcome, mga Kapatid. 🫶🏽."

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

View this post on Instagram

A post shared by TV5 (@tv5manila)

"This is EAT, Kapatid! Lumabas na nga ang napakagandang kapatid ni Ellen Hollywood at ang newest Dabarkads natin na si Atasha Muhlach! 😍 Makakasama na natin siya sa FUNAnaghalian mula Lunes hanggang Sabado!" saad pa sa isang IG post.

View this post on Instagram

A post shared by TV5 (@tv5manila)

Batay sa comments at feedback ng mga tao ay aprub naman sa kanila si Atasha, dahil kailangan daw tapatan sina Mavy at Cassy Legaspi ng "Eat Bulaga!" na may hatak sa Gen Z.

Sa kaniyang Instagram posts naman ay masayang-masaya si Atasha sa kaniyang bagong achievement.

"First ever live performance on E.A.T TVJ #legitdabarkads @tv5manila @tvjofficial and was so happy to meet such a beautiful family ❤️ super thank you guys my heart is so full of gratitude and appreciation!! thank you!! LEGIT DABARKADS!!" aniya sa caption.