Ibinahagi ni “Parokya Ni Edgar” lead vocalist Chito Miranda ang mga kuha niyang larawan sa Baguio sa kaniyang Facebook page nitong Lunes, Setyembre 18.

“Sobrang namiss namin ang Baguio at sobrang paborito talaga namin dito kaya minabuti naming mag-stay muna dito sa Baguio Hillside House habang walang work,” saad ni Chito sa caption ng kaniyang post.

Hindi naman napigilang ma-amaze ng mga netizens sa lugar. Narito ang kanilang mga komento:

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"What a wonderful place ☺️"

"Ang ganda"

"Solid nga dyan ssob"

"Sarap jan idol"

"ang ganda nmn jan idol"

"Wow beautiful places 😊"

Tila “nagpalamig” muna ang lead vocalist matapos niyang sumagot sa mga basher ng kaniyang asawang si Neri Miranda dahil sa kontrobersiyal nitong “₱1000 weekly meal plan” na ibinahagi kamakailan.

MAKI-BALITA: Chito Miranda, sinagot ang mga basher ni Neri

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens