Isang mensahe ang ipinaabot ni Vice President Sara Duterte para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ika-66 kaarawan nito nitong Miyerkules, Setyembre 13.

“Malipayong adlaw nga natawhan, Apo BBM,” paunang bati ni Duterte kay Marcos sa isang video greeting nitong Martes, Setyembre 12.

“My constant wish for all celebrators is prosperity, good health, and happiness. But I will add success to my wishes for you.”

“I want you to succeed as President because it would mean the strength, stability, and security of our beloved homeland,” dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Muli ring ipinaalala ni Duterte kay Marcos ang boto umanong natanggap ng kanilang tandem noong 2022 election, kung kailan sila ang nanalo sa dalawang pinakamatataas na posisyon sa bansa.

“Always remember that it was not a Marcos-only or Duterte die-hard vote. It was a vote for Bongbong and Sara. And it will never happen again in history. It was a UniTeam Vote by all peace-loving Filipinos,” ani Duterte.

“Kaya kami ay solid na nasa likod mo, sumusuporta sa iyong pangitain ng bagong Pilipinas.”

“I wish you prosperity, good health, happiness, and success,” saad pa niya.